100% LIGTAS
(Tagalog tracts no. 001)
|
100% LIGTAS
Mahal kong kaibigan nais ko lang pong itanong sa iyo ang simpli, at iisa pero seriosong katanungan. Kung sakaling mamatay ka ngayon, mayroon ka na bang 100% na katiyakan na makapupunta sa langit? Mahal ka ng Dios at nais kitang tulungan na malaman ang tamang kaparaanan kung paano ka makatiyak ng kaligtasan: UNA: AMININ MONG IKAW AY MAKASALANAN Ayon sa Roma 3:10 Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, kahit isa. At ito ay ipinaliwanag sa Roma 3:23 Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios. Maliban na makita mo na ikaw ay isang makasalanan ay hindi mo matatanggap si Kristo na iyong tagapagligtas at hindi mo mauunawaan ang kahalagahan ng ginawang pagtubos at sakripisyo ni Kristo sa iyong kasalanan. PANGALAWA: TANGGAPIN MO NA DAPAT MONG BAYARAN ANG IYONG MGA KASALANAN Nakasaad sa Roma 6:23 ang ganito, Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; Ayon sa Webster dictionary ang ibig sabihin ng kamatayan ay paghihiwalay. At ito ay pinatotohanan ng Biblia sa Apocalipsis 20:14 na nakasaad, At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, samakatuwid ay ang dagatdagatang apoy. Pansinin po na dalawang beses binanggit ang katagang kamatayan. Ang unang kamatayan o paghihiwalay ay tumutukoy sa paghihiwalay ng kaluluwa sa katawan na naaagnas sa lupa. At ang pangalawang paghihiwalay ay ang paghihiwalay ng kaluluwa sa Dios na nasa langit sapagkat ang kaluluwa ay itinapon sa hades at dagatdagatang apoy na parurusahan magpakailanman. PANGATLO: TANGGAPIN MO NA HINDI MO KAYANG ILIGTAS ANG IYONG SARILI Pansinin natin ng mabuti ang sinabi ng Salita ng Dios sa sulat ni Apostol Pablo sa Efeso 2:8-9, Sapagka sa biyaya kayo nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at itoy hindi sa inyong sarili, itoy kaloob ng Dios. Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. Ayon kay Apostol Pablo, ang mga taong kausap niya ay nangaligtas na sa biyaya ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya (hindi paniniwala lamang) sa ginawang pagbayad ni Kristo sa ating mga kasalanan. At ang kaligtasan na kanilang natamo ay hindi kayang maibigay ng ating mga sarili sapagkat ito ay regalo ng Dios na ibig sabihin walang bayad, hindi pinaghirapan at pinagsumikapan ng tao. Ipinaliwanag pa ng husto ni Pablo na ang kaligtasan o katiyakan na kanilang taglay ay hindi dulot ng kanilang mabubuting gawa upang walang maipagmamalaki ang sinoman sa harapan ng Dios. Ang mabubuting ginagawa ng tao ay pamumuhay sa lupa na dapat palagi nating panatilihin samantalang ang ginawa naman ni Kristo dalawang libong taon na ang nakararaan ay paraan sa langit na dapat nating sampalatayanan na ito ay sapat na upang tayo ay maligtas. PANG-APAT: PAGTIWALAAN O SAMPALATAYANAN MO NA SAPAT NA ANG GINAWANG PAGBAYAD NI KRISTO SA LAHAT NATING KASALANAN Napakaliwanag ng sinabi ng Panginoong Jesus sa Juan 3:16, Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ayon sa Juan 3:16, alam ng Dios ang tanging kailangan ng sanlibutan upang maligtas kaya sinugo Niya si Kristo upang akuin, parusahan at mamatay dahil sa ating mga kasalanan. Patunay na walang relihiyon na namatay at nagdusa upang magligtas sa ating mga makasalanan kundi si Kristo lamang. At ang sinomang sumampalataya o magtiwala na sapat na ang Kanyang pagbayad sa ating mga kasalanan (hindi pagsunod sa utos) ay wala ng hatol at tiyak na maliligtas at hindi na parurusahan sa lugar ng impierno o kaparusahan. Ipinangako ng Panginoon sa Juan 3:16 na huwag mapahamak at hindi sinabing maaaring huwag mapahamak. Ipinangako na magkaroon ng buhay na walang hanggan at hindi sinabing maaaring magkaroon ng buhay na walang hanggan. Samakatuwid tiyak na makakasumpong ng libreng kaligtasan ang sinomang sumampalataya na si Kristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan at inilibing at pangatlong araw ay muling nabuhay batay sa Roma 10:9, Sapagkat kung sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay Siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka. Purihin ang Panginoon MBC Tagalog Tracts Ministry- no. 001 Copyright@2015MessiahBapti Reproduction is prohibited without permission |
John 8:32 "And ye shall know the Truth,
and the truth shall make you free."