ARAL NG KATOTOHANAN
(Tagalog tracts no. 003)
|
ARAL NG KATOTOHANAN
Maraming kapulungan ng relihiyon at mangangaral ang may buong tapang na ipinahahayag na ang kanilang aral o doktrina ang tunay at totoo. Subalit ano ang Aral ng katotohanan na itinuturo ng Banal na kasulatan? Unawain at buksan ang iyong kaisipan upang makamtan mo ang Aral ng katotohanan na magdudulot ng kaligtasan sa iyong kaluluwa. Ano ang Aral ng Katotohanan?
Pansinin n...g
mabuti ang pahayag ni Pablo sa Efeso 1:13 Na sa
Kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng
evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula
nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu
Santo, na ipinangako. Maliwanag na ang Aral ng
katotohanan ay siyang tinatawag na Evangelio ng kaligtasan. Ito
ay dapat pagtiwalaan o sampalatayanan pagkatapos na ito ay
marinig upang manahan sa atin ang banal na Espiritu.
Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo,
siya'y hindi sa Kaniya. -Roma 8:9
Ipinaliwanag ni Pablo sa I Corinto 15:1-4 ang tamang Aral ng katotohanan na tinatawag na Evangelio ng kaligtasan: Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan; Ang natanggap ni Pablo na kanyang ipinapangaral ay ang evangelio ng kaligtasan (Aral ng Katotohanan) na kung paano si Cristo ay namatay sa ating mga kasalanan, inilibing, at pangatlong araw ay muling nabuhay ayon sa kasulatan.(hindi ayon sa turo ng anomang sekta o ng taong tagapagtatag) Ang tinanggap niyang mensahe ng kaligtasan ay hindi kaligtasan sa pagsapi sa samahang ng relehiyon, hindi kaligtasan dulot ng bautismo, hindi kaligtasan dahil sa mabubuting gawa ng tao, hindi kaligtasan sa pagsunod sa mga ordinansa ng simbahan at hindi kaligtasan sa pagtupad sa mga kautusan ng Panginoon. Nagpatotoo si Pablo sa Roma 1:16, hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; Ayon kay Pablo hindi niya ikinahihiyang ipangaral ang Evangelio ng kaligtasan (Aral ng Katotohanan) sapagkat ito ay may taglay na kapangyarihan upang iligtas ang sinomang sumasampalataya. Sa Roma 10:9 sinabi niya na kung sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sinabi ni Jesus sa Juan 3:3 na maliban ang tao ay ipanganak muli hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos. Sa anong paraan tayo ipapanganak muli? Sinabi ni Santiago sa Santiago 1:18, na Sa Kaniyang sariling kalooban ay Kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, (Aral ng katotohanan o Evangelio ng kaligtasan). Ganoon din ang ipinahayag ni Pedro sa I Pedro 1:23 Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios (Aral ng katotohanan o Evangelio ng kaligtasan) na nabubuhay at namamalagi. Hindi tunay na sinugo ng Diyos ang sinomang hindi nangangaral ng tunay na Aral ng katotohanan o Evangelio ng kaligtasan. Pinatotohanan ito ni Pablo sa Roma 10:15 At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita (Evangelio). Nakasaad sa Marcos 16:15 ang habilin ni Cristo na nararapat ipangaral sa lahat ng nilalang, At sinabi Niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio (Aral ng katotohanan) sa lahat ng kinapal. Muli sinabi ni Pablo sa Roma 10:9 kung ..sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay (Aral ng katotohanan o Evangelio ng kaligtasan) ay maliligtas ka: Mahal kong kaibigan ngayon ang takdang araw upang pagpasiyahan mo ang pinakamahalagang bagay sa iyong buhay, ayon kay Cristo sa Marcos 1:15, kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio (Aral ng katotohanan). PATNUBAYAN KA NG DIYOS! MBC Tagalog Gospel Tracts Ministry- no. 003 Copyright@2015MessiahBapti Reproduction is prohibited without permission |
John 8:32 "And ye shall know the Truth,
and the truth shall make you free."