PARA SA MATUWID NA TAO KATULAD MO
(Tagalog tracts no. 002)
|
PARA SA MATUWID NA TAO KATULAD MO
Mabait kong kaibigan, alam ng lahat na isa kang matuwid na tao. Tunay nga po marami ka nang taong natulungan at pinaligaya mula sa iyong puso. Subalit kung iyan ang inaasahan mo upang makamit ang langit, ikinalulungkot kong sabihin na hindi makakapagligtas ang matutuwid na gawa ayon sa Biblia . Unawain mong mabuti at buksan ang iyong puso sa mga katotohanan na i...tinuturo ng Banal na kasulatan:
Ang pinakamatuwid na ginawa ng tao ay isa lamang maruming
basahan kapag ito ay itinapat sa kabanalan ng Panginoon. Ganyan
inilarawan sa lumang tipan ni Propeta Isaias sa Isaias 64:6 na
lahat ay naging parang marumi, at ang lahat naming
katuwiran (our
righteousness) ay naging parang basahang marumi.
Samakatuwid, hindi kailanman ang tao maliligtas kung
siya'y tumiwala sa kanyang katuwiran (own
righteousness) ayon sa Ezekiel 33:13. Papaano kung ang tao na
umaasa sa matuwid na gawa ay magkasala? Bakit ka kaibigan
magtitiwala sa pagiging matuwid mo kung isa ka rin makasalanan.
Maging sa bagong tipan, itinuro ng Panginoong Jesus sa Lucas 18:9-14 ang isang talinhaga tungkol sa nagsisiasa sa kanilang sarili, na sila'y matuwid (self-righteous) ay hindi aariing ganap o pawawalang sala. Sapagkat sinabi sa Roma 3:10 na nasusulat walang matuwid (righteous), wala kahit isa. Kung ganoon papaano ililigtas ng sinoman ang kanyang sarili? Kaya't sinabi ni Pablo sa Roma 10:3 napakalaking kamalian na pilitin ng sinoman maitayo ang sariling ..katuwiran (own righteousness). Buong tapang na pinanindigan ni Apostol Pablo sa Filipos 3:9 na sa kabila ng lahat niyang kabutihan hindi pa rin siya magtitiwala sa kanyang sariling katuwiran (own righteousness) upang makapagligtas sa kanya. Pagisipan mo kaibigan, kung makakayanan mong makapunta sa langit, bakit pa si Cristo namatay? At kung makakapunta ang sinoman sa langit dahil sa matutuwid na gawa kung gayo'y si Cristo ay namatay na walang kabuluhan ayon kay Pablo sa Galacia 2:21. Dahil sa dakilang pag-ibig at habag ng Diyos nais ng Panginoon ang lahat ay maligtas. Sinabi ni Pablo kay Tito sa Tito 3:5 na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran (works of righteousness) na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo. Subalit kung ang matutuwid na gawa ay hindi nakapagliligtas, papaano ang tao maliligtas? Mababasa natin sa sulat ni Apostol Pablo sa Roma 3:22, na ang katuwiran ng Diyos (God's righteousness) ay sa lahat ng mga nagsisisamplataya at hindi sinabi sa lahat na gumagawa ng mabuti. Hinalimbawa ni Pablo sa Roma 4:3 na sumampalataya si Abraham sa Diyos, at sa kaniya'y ibinilang na katuwiran ng Diyos {counted for righteousness). Ibig sabihin ibinilang ng Diyos na katuwiran ang pananampalataya ni Abraham at hindi ang kanyang mga gawa. Dagdag pa niya sa Roma 4:4-5 sa kaniya na gumagawa'y hindi ibinilang na biyaya ang ganti, kundi utang. Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa ngunit sumasampalataya, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran (righteousness). Hinalimbawa din ni Pablo sa Roma 4:6-7 ang sinambit ni David na sa tao ay ibinibilang ng Diyos ang katuwiran (imputeth righteousness) nang walang mga gawa. Dahil walang sinomang makasalanan na maliligtas sa matuwid na gawa, ayon sa 2 Corinto 5:21 Si Kristo na walang kasalanan ay Kaniyang itinuring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Diyos.(righteousness of God). Bakit tayo magtitiwala sa sarili nating katuwiran (righteousness) kung pwede naman mapasa atin ang katuwiran ng Panginoong Dios (God's imputed righteousness) sa pamamagitan ng pananampalataya sa ginawa ni Cristo sa ating mga kasalanan na Siya'y namatay, inilibing, at pangatlong araw ay muling nabuhay. Pagsisihan mo ang lahat na kasalanan at pagtiwalaan na sapat na ang ginawang pagtubos ni Cristo sa lahat nating kasalanan.. Sinabi ng biblia sa Roma 10:9 Sapagkat kung sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay Siyang maguli ng Diyos sa mga patay ay maliligtas ka. Malinaw sa Efeso 2:8-9 Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. MBC Tagalog Tracts Ministry- no. 002 Copyright@2015MessiahBapti Reproduction is prohibited without permission |
John 8:32 "And ye shall know the Truth,
and the truth shall make you free."