Click the Banner back to Index

PINAPALO NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK 
Hebreo 12:5-11 

(July 28, 2019, SUN p.m.- MBC baesa)
     Ayon sa Hebreo 12:5-11, kung ikaw ay anak ng Diyos, kung ganoon ikaw ay parurusahan ng pagpapalo ng Diyos sa iyong buhay. Sa ating pagaaralan, mayroon mabuting matututunan tungkol sa pagpaparusa ng pagpapalo ng Diyos.

I- ANG INAASAM NG DIYOS 
     A. Ang Ating Kapakinabangan
Hebreo 12:10 “Sapagka't katotohanang tayo'y pinarusahan nilang ilang araw ayon sa kanilang minagaling; nguni't siya'y sa kapakinabangan natin, upang tayo'y makabahagi ng kaniyang kabanalan.” 
→ Ang ating mga ama sa laman sa kabilang dako ay kanilang pinapalo tayo “ayon sa kanilang minagaling” (kapakanan)
• Nais ng Diyos sa atin:
          1. Tayo ay Mabubuhay
Hebreo 12:9 “Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo'y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y mabubuhay? “
• Kapag tayo ay pinarurusahan ng pamamalo ng ating Ama sa langit, huwag nating isipin agad na papatayin na tayo ng Diyos at itinakwil na tayo Niya, bagkus ang nais ng Diyos ay mabuhay tayo na ating lasapin ang sarap ng buhay na may takot sa Diyos at kasama ang Diyos na gumagabay bilang liwanag at may mabuting patotoo tayo sa mundong puno ng kadiliman. 
          2. Tayo ay makabahagi ng Kaniyang kabanalan. 
Hebreo 12:10 “Sapagka't katotohanang tayo'y pinarusahan nilang ilang araw ayon sa kanilang minagaling; nguni't siya'y sa kapakinabangan natin, upang tayo'y makabahagi ng kaniyang kabanalan.”
• Tayo na mga mananampalataya ay papaluin ng ating Ama sa langit tuwing tayo ay nakikipamatok sa mga gawain ng sanlibutan at nakakalimot sa Diyos habang tayo ay namumuhay na katulad sa isang hindi mananampalataya. Nais ng Diyos na kamuhian natin ang kasalanan katulad ng pagtinging ng Diyos sa kasalanan at maging banal katulad Niya na Banal. 
          3. Tayo ay mamumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran
Hebreo 12:11 “Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayon ma'y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito. “
• Dahil sa ating buhay kristiano na walang makitang pagbabago dulot ng ating kalikuan tayo ay sasanayin o didisiplinahin ng Diyos hanggat tayo ay sumuko at magbago sa ikatutuwid.

II- ANG INIIBIG NG DIYOS 
A. Iniibig Niya tayo
Hebrewo 12:6 ”Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak. “
• Kung minahal tayo ng Diyos nang hindi pa tayo mananampalataya, lalo pa ngayon na tayo ay ipinanganak muli sa Espiritu at naging anak na ng Diyos. 
     B. Inaari Niya tayo 
Hebreo 12:7
“Na dahil sa ito'y parusa kayo'y nagtitiis; inaari kayo ng Dios na tulad sa mga anak; sapagka't alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama?”
• Pansinin na tayo ay "nagsipagsanay sa pamamagitan nito.” Dahil sa ating matibay at matamis na relasyon bilang anak at Ama ay kalakip ang pagsasanay o pagtuturo bilang pagdidisiplina ng Diyos.  
Hebreo 12:11 “Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayon ma'y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito. “
     C. Itinutuwid Niya tayo
Hebreo 12:9
“Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo'y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y mabubuhay? “.
• Mayroon tayong mga ama sa laman na itinutuwid tayo kaya tayo pinaparusahan higit pa ang ating Ama sa langit na nais Niya na tayo ay mamuhay na matuwid at lumago sa espirituwal. 

III- ANG INAAYAWAN NG DIYOS 
Kapag pinapalo tayo ng Diyos, ayaw Niya tayo:
     A. Maliitin Siya
Hebreo 12:5
“At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak, Anak ko, huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon, O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan niya;” 
• Kapag hinamak, niliit o pinawalang halaga Siya, magkakaroon tayo ng galit o kapaitan sa Diyos.
     B. Manglupaypay
Hebreo 12:5
“At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak, Anak ko, huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon, O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan niya;” 
• Ayaw ng Diyos na tayo ay manglupaypay katulad kung paano ang isang coach ayaw ang manlalaro ay sumuko.

IV- ANG INAASAHAN NG DIYOS
Kapag pinapalo tayo ng Diyos, inaasahan Niya tayo na:
     A. Magtiis
Hebreo 12:7 “Na dahil sa ito'y parusa kayo'y nagtitiis; inaari kayo ng Dios na tulad sa mga anak; sapagka't alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama?” 
• Ang pagpaparusa o pagpapalo ay hindi “sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayon ma'y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito.“
Hebreo 12:11 “Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayon ma'y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito. “
• Walang pagpaparusa ng Diyos na hindi ka masasaktan. Kung saan ka masasaktan doon ka niya papaluin.
• Kinakailangan maramdaman natin ang sakit o kirot ng pamamalo ng ating Ama sa langit upang mayroon tayong matutunan na leksiyon at tayo ay lumago sa ating buhay pananampalataya. 
     B. Magsisi 
Hebreo 12:9 “Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo'y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y mabubuhay? “
Apocalypsis 3:19 “Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at magsisi.”
Job 34:31 “Sapagka't may nagsabi ba sa Dios: Aking tinitiis ang parusa, hindi na ako magkakasala pa:"
• Tuwing pinarurusahan tayo ng pamamalo ng Diyos, kinakausap Niya tayo upang tayo ay matutong magpakababa na humingi ng kapatawaran sa Kanya at buong puso na manumbalik sa kalooban ng Diyos.
     C. Magpasakop 
Hebreo 12:9 “Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo'y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y mabubuhay? “
• Ang pagpapalo ng Diyos sa Kanyang mga anak ay isang paraan ng paggabay ng isang magulang sa kanyang anak. Imbis tayo ay magalit o lumayo lalo sa Diyos dapat lang na tayo ay magpasakop at gawin ang kalooban ng Diyos na gusto Niyang mangyayari kahit salungat sa kagustuhan ng ating mga sarili. 
• Tuwing tayo sumusunod sa daan at kalooban ng Diyos ng bukal sa kalooban at hindi napipilitan, ang pagsagawa ng pagpaparusa o pagpapalo ay nagtagumpay.

PAKATANDAAN: Ang Diyos kailanman ay hindi nagpapalo ng bastardo.
Hebreo 12:8 “Datapuwa't kung kayo'y hindi pinarurusahan, na pawang naranasan ng lahat, kung gayo'y mga anak sa ligaw kayo, at hindi tunay na anak.” 
→ Ang bastardo o anak sa ligaw ay hindi tunay. Hindi siya anak. Siya’y katulad o kahawig sa anak pero hindi siya totoo. Marahil ang mga bastardo ay lagi din nasa simbahan, nananalangin din, sumasama sa paghayo sa pag-akay ng kaluluwa, at minsan din sumasali din sa choir at matagal nang kasapi ng isang Iglesia o lumaki sa simbahan subalit bigla silang lumihis ng landas at ginagawa ang mga bagay na hindi nakakalugod sa Diyos, namumuhay sa kasalanan at kapansin pansin na walang pagpapalo ng Diyos na nararanasan o natatanggap sila. 

• Mapapansin natin sa ating pinagaaralan na kapitulo, pinaparusahan na pagpapalo ang LAHAT niyang mga anak. 
Hebreo 12:6 ”Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak. “

• Ang Pagpaparusa na pagpapapalo ng Diyos ay isang bagay na “pawing nararanasan ng lahat,”
Hebreo 12:8 “Datapuwa't kung kayo'y hindi pinarurusahan, na pawang naranasan ng lahat, kung gayo'y mga anak sa ligaw kayo, at hindi tunay na anak.” 
→ Kung ganoon kapag may nakita ka nang isang tao nagsasabing siya ay Kristiano at hindi siya pinapalo ng Diyos, ito ay mabuting pagkakataon na nakikipagugnayan ka sa hindi anak ng Diyos upang ibahagi sa taong yaon kung paano maging tunay na anak ng Diyos at ibahagi ang ebanghelyo ni Kristo.