Click the Banner back to Index

KABANALAN NA MAY KASIYAHAN AY MALAKING KAPAKINABANGAN
1 Timoteo 6.6-10
(July 17, 2019 – WED p.m.- MBC baesa)
  • Parang ang pagkasulat ni Apostol Pablo ditto ay nagpapahiwatig na pwede kang maging makadiyos o makitaan na may kabanalan na walang kasiyahan.
  • Mayroon klaseng kabanalan or pagiging makadiyos na ginagamit ng iba para makatanggap lamang ng sariling pakinabang: Nagaanyong silang makadiyos at gumaganap bilang mga tagapagturo ng kabanalan na umaasa na makakakuha ng kapakinabangan mula sa mga tunay na mga tao ng Diyos or mga banal.
  • Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang liwanagin kung ano ang totoong kabanalan. Ito ang kabanalan or makadiyos na mayroong tamang paguugali o mataas na pagturing sa Diyos na nakikita ng mga tao na mayroong kasiyahan.

I- MGA KABAHAGI NG KASIYAHAN (v. 6-8)

1 Timothy 6:6-8 Datapuwa't ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan:  7 Sapagka't wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;  8 Nguni't kung tayo'y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.”

     A. Tamang pananaw sa buhay (v. 7)

1 Timothy 6:7 Sapagka't wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;”

          1. Ang salapi ay maliit na bagay nang dumating ka sa mundo

          2. Ang salapi ay bale wala kapag lumisan ka na sa mundo.

     B. Tuonan ang buhay na may kasiyahan habang may pangangailangan (v. 8)

1 Timothy 6:8 Nguni't kung tayo'y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.”

  • Ang dapat pagtuonan ng pansin sa buhay ay hindi salapi kundi ang Diyos at kabanalan o pagiging makadiyos.
  • Ang kabanalan o pagiging makadiyos ay kinikilalang paraan ng buhay na pinangungunahan ng mataas na pagtingin para sa Diyos na malinaw na nakikita sa asal ng isang tao at paggalang o pagpapahalaga sa ibang tao.

ILLUSTRATION:  Mayroon isang babae kasapi sa aming Iglesia, isang babaeng mahirap lang ang buhay kung sa materyal na bagay ang sukatan. Subalit siya ay matapat, at sinuko ang kanyang buhay sa Diyos sa paglilingkod ng pagtuturo ng mga bata sa ibat ibang lansangan ng komunidad. Sa hindi inaasahan ang babaeng ito ay namatay at kinuha ng ng Panginoon at nasa piling na ng Diyos. Ang babaeng ito ay namatay na mahirap lamang pero mayaman sa kabanalan na may kasiyahan. Ang babaeng ito ay nakatamo ng dakilang kapakinabangan sa buhay.

Marahil mamamatay tayo na mahirap lang pero mayroong natanggap ng kapakinabangan sa kabanalan or pagiging makadiyos,

II- MGA KABALIGTARAN NG KASIYAHAN (v.9)

1 Timothy 6:9 Datapuwa't ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.

     A. Ang puso ay nakatuon sa kayamanan (“Datapuwa't ang mga nagsisipagnasang yumaman”)

          1. Ang kayamanan ay itinuturing na pakay o layunin ng buhay

          2. Ang mga tao na ang kanilang mga pakay ay pinapagalaw o kontrolado ng pagnanais na palakihin ang materyal nilang tinatangkilik.

     B. Ang paligid ay nababalot ng kawalan ng kasiyahan (“nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama”)

          1. Nahuhulog sa tukso 

Ang kasakiman ay mayroon paraan upang itulak ang tao na tumingin sa mga direksyon na hindi dapat tinitingnan.  

          2. Nahuhulog sa silo o patibong

          3. Nahuhulog sa maraming pitang hangal at nakasasama.

  • Tatlong malinaw na mga hakbang ng pagbagksak ay madaling matanto, una ang pang-akit, pangalawa ang pita, ang panghuli ay ang buong pagkasira ng moral.

C. Ang pagkapahamak ng puso na puno ng kalumbayan (“na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.)

  • Ang inilalarawan dito ay kung paano ang mga pitang ito ay pinalumbay ang tao, katulad ng mga alon na tinabunan ang nalulunod na sasakyan pandagat at tinatangay ang tao patungo sa pagkapahamak.
  • Ang pandiwa (verb)…malinaw na ipinapakita ang nagnanasa sa kayamanan bilang sariling halimaw, at pagkabulusok ng biktima sa karagatan para sa buong pagkawasak.

ILLUSTRATION: Ang kuwento tungkol sa isang Agila na nakahuli ng isang sea gull, at ito ay kanyang hawak sa ilalim ng tubig hanggang ito ay malunod. Ganyan ang uri paglalarawan mayroon ang ang ating talata.

III- ANG KAMALIAN NG PAGIBIG SA SALAPI (v.10)

1 Timothy 6:10 “Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.” 

     A. Nagbubunga ng lahat ng uri ng kasamaan (“Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan;”)

          1. Kawikaan ng mga Sinaunang Griego: “Ang pagibig sa salapi ay ang inang-bayan ng lahat ng kasamaan”

     B. Nagtutulak sa tao upang maligaw palayo mula sa tamang pananampalataya  (“na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya,”)

Isang babala sa mga Iglesia na magingat sa pagnanasa na yumaman at lisanin ang purong pangangaral ng Salita ng Dios:

  • May mga Iglesia na hinalintulad sa isang mall or food court na nagaalok ng sari-saring mga programa para ipagkaloob ang hinahanap ng mga kapulungan.
  • May mga Iglesia din na hinalintulad sa isang korporasyon na itinatag upang kumita sa pagtinda ng mga ibat-ibang bagay na kanilang inaalok, imbis pagtuonan ang pagsimula ng mga bagong misyon.
  • May mga Iglesia na hinalintulad sa sinehan na kung saan ay inaalok ang mga tao pumasok upang masaksihan ang mga sari-saring entertainment o mga panoorin sa entablado.
  • May mga Iglesia na hinalintulad sa isang pangganyak na seminar para magbigay ng mga tip sa pagiging mabuting mga magulang para magkaroon ng matibay na buhay mag-asawa.

     C. Nagdudulot na maraming kalungkutan  (“at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.”)

  • Sa kanilang pananabik na bunutin ang makatarungang bulaklak ng kayamanan, kanilang tinuhog at sinugatan nila ang kanilang sarili ng matalas at hindi inaasahang mga tinik.

Conclusion:

Ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan. Ano ang nagbibigay sayo ng inspirasyon? Ano ang pinagbubuhusan ng marami mong oras? Ano ang pinapangarap mo? Ang buhay mo ba ay itinalaga o inilaan mo sa paglilingkod sa Diyos o nakatuon sa mga ibang mga bagay?